ADS

Umuwi nang tila bang
Lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla
Ang ‘yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman
Ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag
Na tayong magkatabi

Bakit ka nag-iba?
Mayroon na bang iba?

Sana sinabi mo
Para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya’t umalis
Sana sinabi mo
Para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan namang kitang umalis

Binibilang ang hakbang
Hanggang wala ka na
Nagbabakasaling lilingon ka pa
Hindi na ba mababalik
Ang mga sandali
Mga panahong may lalim
Pa ang ‘yong ngiti

Bakit ka nag-iba?
Mayroon na bang iba?

Sana sinabi mo
Para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya’t umalis
Sana sinabi mo
Para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan namang kita

Sana sinabi mo
Para ang mga ayaw mo’y aking iibahin
‘Di ba sinabi mo
Basta tayong dalawa’y sasaya ang mundong mapait
‘Di ba sinabi ko
Gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli

Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik
Sana sinabi mo
Dahil ‘di ko maisip ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo
Para ‘di na umibig ang puso kong muli

Sana sinabi mo
Para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita
Sana sinabi mo
Para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo

Leave a Reply